Thursday, February 26, 2026

Records ng 18 dating sundalo na nagsabing naghatid noon ng male-maletang pera kina dating Speaker Martin Romualdez, PBBM at sa iba pang opisyal, inaalam na sa Philippine Navy

Sumulat si Senate President pro-tempore Ping Lacson sa Philippine Navy para masilip ang records ng 18 dating sundalo na lumantad at umaming naghahatid ng male-maletang pera kina dating Speaker Martin Romualdez, Pangulong Bongbong Marcos at sa iba pang mga politiko.

Kwestyunable para kay Lacson ang ilang pahayag ng mga dating sundalo partikular ang sobrang computation na pagdedeliver nila ng P805 billion na utos ni dating Congressman Zaldy Co para sa mga politiko.

Ayon kay Lacson, may natanggap siyang inisyal na impormasyon na may ilan sa kanila ang hindi totoong sundalo at mga dishonorably discharged.

Bilang dating police investigator, nakagawian na niya ang pagkwestyon sa kredibilidad at reliability ng source.

Sinabi ni Lacson na kapag natapos ang verification at evaluation ng mga humarap na dating sundalo ay posibleng paharapin at ipatawag ang mga ito sa gagawing imbestigasyon ng Senado.

Facebook Comments