RECOUNTING | Ballot recount para sa 2016 vice presidential race, tuloy na sa April 2

Manila, Philippines – Tuloy na sa April 2 ang ballot recount para sa 2016 vice presidential race.

Sa limang pahinang resolusyon ng Supreme Court (SC) na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET), pagbabawalan ang media na i-cover ang proceedings.

Tanging ang mga representante ng hukuman, panig nina Vice President Leni Robredo at dating Senator Bongbong Marcos ang makakasaksi nito.


Naglabas na rin ang PET ng panuntunan para sa ballot revision na magsisimula sa susunod na linggo para sa kinakaharap na electoral protest ni Robredo.

Ang revision team ay binubuo ng head na magmumula mula sa Sc at tig-isang revisor mula sa mga kampo nina Robredo at Marcos.

Isasailalim sa recounting ang mga balota mula sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental bilang mga piniling pilot provinces ni Marcos.

Nagpaalala ang PET sa dalawang kampo na huwag ilahad ang mga nangyayari sa kaso sa publiko sa ilalim ng sub judice rule.

Facebook Comments