*Santiago City-* Nakatakdang ipatayo ng Pamahalaang lokal ng Santiago ang Recovery Facility ng Santiago Isabela Medical Center sa Lungsod.
Ito ay bahagi ng pagdaragdag ng mga kagamitang pang kalusugan at pasilidad sa naturang ospital ng Lungsod.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Mayor Joseph Tan, mayroon umanong nakalaang pondo na higit tatlong daang milyong piso para sa pagpapatayo ng recovery Area at karagdagang gamit ng naturang pagamutan.
Samantala, nakatakda namang magkaroon ng blood letting activity ang City Health Office ng Lungsod ng Santiago bukas, Pebrero 13, 2019 na may temang “Dugong Buhay, Dugtong Buhay” at gaganapin sa Cityhall mula alas otso ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.
Nananawagan naman ang naturang tanggapan sa mga residente at mga katuwang na ahensya na makibahagi sa naturang aktibidad.