Kinumpirma ng Philippine Airlines (PAL) na nakumpleto na nila ang recovery flights matapos makansela ang ilang domestic at international flights nila dahil sa technical glitch noong Bagong Taon.
Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, mas maiksi na rin ang waiting time ngayong araw kumpara kahapon na umabot na lamang ng kalahating oras.
Gayunman, nagkaroon pa rin aniya ng delay sa paglipad ng kanilang mga eroplano dahil late dumating ang kanilang aircraft mula sa iba’t ibang lalawigan at ibang bansa.
Nilinaw naman ni Villaluna na transitional flight din sila sa ngayon at bukas pa ang tuluyang pag-normalize ng operasyon.
Umapela naman si Villaluna sa mga pasaherong magpapa-rebook ng flight na huwag nang magtungo ng airport at sa halip ay bisitahin na lamang ang website ng Philippine Airlines.