₱17-M na halaga ng smuggled na sibuyas mula China, nasabat ng Customs

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang 17 million pesos na halaga ng smuggled na dilaw na sibuyas galing China.

Nadiskubre ng mga awtoridad ang mga sibuyas sa tatlong container na nakahalo sa dalawang milyong pisong halaga ng ukay-ukay na damit at mga gamit sa bahay.

Ayon sa BOC, plastic buckets, damit, sapatos, pinggan at cat litter lamang ang nakadeklara sa kargamento.


Dismayado naman si BOC Commissioner Yogi Filemon Ruiz, dahil sa gitna ng pagbabayad ng tamang buwis ng ilang mga negosyante para makapagpasok ng produkto ay marami pa rin ang nagpapasok ng milyon-milyong halaga ng smuggled products sa iligal na proseso.

Facebook Comments