RECOVERY | George Clooney, okay na raw matapos masangkot sa aksidente sa Italy

Italy – Nakalabas na ng ospital sa Italy ang aktor na si George Clooney matapos magtamo ng minor injuries sa isang aksidente.

Naganap ang aksidente sa Sardinia na lokasyon ng kanyang panibagong television series kung saan tumilapon ang aktor matapos mabangga ng isang kotse.

Ayon kay Olbia, Police Commander Giovanni Mannoni, hindi malala ang natamong pinsala ni Clooney.


Nakatakda namang i-monitor si Clooney ng mga staff ng ospital bilang outpatient sa loob ng 20 araw.

Facebook Comments