Recovery rate ng PNP sa COVID-19, mahigit 90% na

Umaabot 95.7 percent ang recovery rate ng Philippine National Police (PNP) mula sa COVID-19.

Ito ay matapos na gumaling mula sa sakit ang 10,389 mula sa 10,870 na tauhan ng PNP na nagpositibo sa virus mula nang magsimula ang pandemya.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) PLt. Gen. Guillermo Eleazar kasama sa bilang na ito ang pinakahuling 58 recoveries at 37 bagong kaso ng Covid 19 na iniulat ng PNP Health Service bandang alas-6:00 kagabi.


Batay sa rekord ng ASCOTF, anim sa mga bagong kaso ang mula sa National Support Units at 31 ang mula sa iba’t ibang Police Regional Offices.

Nanatili naman sa 31 ang mga tauhan ng PNP na nasawi mula sa COVID- 19 o 3 percent ng mga nagpositibo sa virus sa kanilang hanay.

Facebook Comments