Recruiter ng mga Pinay na inaresto sa Cambodia dahil sa pagiging surrogate mothers, sasampahan ng reklamo

Siniguro ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) na patuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa Embahada ng Pilipinas sa Cambodia.

Ito ay matapos kumpirmahin ng IACAT ang hatol ng Kandal Provincial Court sa Cambodia na guilty ang 13 babaeng Pinay sa paglabag sa human trafficking and sexual exploitation.

Nasa 20 kababayan natin ang inaresto doon dahil sa pagkakasangkot sa surrogacy na iligal sa naturang bansa.


Pero sa pakikipag-usap ng Embahada ng Pilipinas doon sa tulong ng IACAT, 7 sa 20 inarestong kababaihan ang pinauwi sa bansa at hindi kinasuhan dahil hindi pa naman sila nagdadalang tao.

Nasa 15 hanggang 20 taon ang orihinal na sentensya sa 13 Pinay pero pinababa na ito sa 2 taon.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) at prosecutors para masampahan ng reklamo ang mga recruiter na nasa likod ng nangyaring trafficking.

Facebook Comments