Mahigit 70 complainants sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan ang naghain ng ikalawang impeachment complaint sa Kamara laban kay Vice President Sara Duterte.
Kinabibilangan ito ng mga kabataan, pampublikong guro, mga kabataan, mga empleyado ng gobyerno, religious leaders, mga pangkaraniwang manggagawa, human rights victims, mga dating kongresista.
Ang naturang impeachment complaint ay inendorso naman ng mga kongresistang kasapi ng Makabayan bloc na sina Representatives Arlene Brosas ng Gabriela Womens Party, France Castro ng ACT Teachers Party-list at Raoul Manuel ng Kabataan Party-list.
Ugat ng impeachment complaint ang anila’y pagtataksil ni VP Sara sa tiwala ng publiko dahil sa ilegal at maling paggastos ng kabuuang ₱612.5 million na confidential funds ng OVP at Department of Education (DepEd).
Nakapaloob din sa reklamong impeachment ang tangkang idiskaril ang pagtupad ng Kongreso sa mandato nito na mag-imbestiga in aid of legislation.