Recruitment activities ng mga terorista, namonitor ng AFP sa Lanao Del Sur

Lanao Del Sur – Mahigpit na nakikipag-ugnayan ngayon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa lokal na pamahalaan ng Lanao Del Sur at sa mismong residente sa lugar.

Kasunod ang impormasyong may isinasagawang recruitment activities ang mga teroristang grupo sa mga nakatira sa paligid ng Lake Lanao.

Ayon kay Joint Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner, makakatulong ang hakbang nilang ito upang maiwasan ang mga residente sa lugar na ma-recruit partikular na ang mga kabataan at isasama sa mga terroristic activities.


Ayon naman kay AFP Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero na sa ngayon nakatutok pa rin ang militar sa clearing operation sa Marawi paghahanda pa rin sa gagawing malawakang rehabilitasyon sa lungsod.

Magiging role na aniya ng militar dito ay ang panatilihin ang mahigpit na seguridad at peace and order sa Marawi City at tumulong sa rekonstruksyon ng mga gusali sa pamamagitan ng pagdadala ng engineering unit sa lungsod.

Facebook Comments