Recruitment agencies, required na tulungan ang mga stranded applicants

Inaatasan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga lisensyadong recruitment agencies na tulungan ang mga stranded na overseas employment applicants dahil sa quarantine restrictions.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, inaprubahan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang hiwalay na resolusyon, kung saan ang isa ay inaatasan ang lahat ng private recruitment agencies (PRAs).

Importanteng mabigyan ang mga stranded applicants ng temporary accommodation o shelter, food, COVID-19 test, at transportation pabalik sa kanilang mga probinsya.


Ang mga recruitment agencies na hindi susunod at magpapabaya ay maaaring patawan ng suspensyon at iba pang parusa.

Ang ikalawang resolusyon ay ang pagpapahintulot sa pag-withdraw ng escrow deposits na sobra sa ₱1 million.

Ang pagbabayad sa additional escrow deposit ay sinuspinde sa loob ng dalawang taon para makatulong sa pagbangon sa pandemya.

Facebook Comments