Pauleen Luna, kakasuhan ang mga basher ng anak na si baby Tali

Hindi pinalampas ni Pauleen Luna ang panlalait ng isang basher sa kanyang two-year-old daughter na si Tali Sotto.

Sa post kasi ni Pauleen sa picture ni baby Tali kasama ang kanyang daddy na si Bossing Vic Sotto, nagkomento ang basher ng hindi maganda at nilait ang walang muwang na bata.

Bunsod nito, agad na kinontak ni pauleen ang basher sa facebook messenger, at sinabihang kakasuhan niya ito for “cyberbullying a minor.”


Mahinahong kinausap ng aktres ang basher at binigyan ng dalawang options; ito ay kakasuhan siya o magpa-public apology sa ginawang panlalait sa inosenteng bata.

Nang una ay nagmatigas pa ang basher at pinanindigan ang ginawang pamimintas kung saan mas gusto pa raw niyang makulong pero sa huli, nag-post din ito ng public apology sa kanyang facebook page.

Nag-sorry siya sa pamilya ni Pauleen, sa followers at fans ng pamilya Sotto, at sa lahat ng mga magulang na nasaktan.

Facebook Comments