Recruitment ng mga babaeng pulis, ipinapapaprayoridad ng Senado sa PNP

Ipinapaprayoridad ng Senado sa Philippine National Police (PNP) ang recruitment ng mga babae sa institusyon.

Sa Senate Bill 728 ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa, isinusulong na paabutin sa 50% o kalahati ng pwersa ng PNP ay mga babae.

Sa panukala ay irereserba sa babae ang 25 percent ng annual recruitment, trading at education quota ng PNP at onti-onting itataas sa 50 percent sa susunod na sampung taon.


Paliwanag ni Dela Rosa, dating PNP chief, ang panukala ay salig na rin sa Magna Carta of Women o RA 9710 na nag-uutos na iakyat ang bilang ng mga kababaihan sa police force, forensics, medico legal, legal services at social work services.

Tinukoy rin ng senador na utos ng Konstitusyon na isulong ang full potential ng mga babae para makapagsilbi sa bansa.

Sa kasalukuyan, nasa 17.94 percent ng PNP ay mga babae habang 82.06 percent naman ay mga lalaki.

Facebook Comments