Manila, Philippines – Inihain ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang Senate Resolution Number 49 na naglalayong busisiin ang recruitment program ng Philippine National Police o PNP.
Nakapaloob sa resolution na simula noong 2012 ay binibigyan ang PNP ng budget para sa recruitment ng 10,000 mga pulis para makamit ang ratio na isang pulis sa bawat 500 mga Pilipino.
Ayon kay Recto, kailangang masilip kung natupad ito ng PNP at kung nagamit ng tama ang pondo para dito.
Binanggit sa resolusyon na sa ngayon ay nasa mahigit 192,000 lamang ang mga pulis sa buong bansa kaya kailangan na ito ay madagdagan.
Facebook Comments