DepEd nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya na nasawi sa Iloilo-Guimaras strait

Nagpaabot ng pakikidalamhati ang Department of Education (DepEd)  sa mga pamilya ng limang  mga guro na napabilang sa nasawi sa lumubog na motor bangka sa Guimaras, Iloilo.

Ipinaabot ng DepEd ang taus pusong pakikiramay sa naulila ng apat na mga guro mula sa  Lambunao National High School at isa namang teacher mula sa  Agcuyawan Calsada Elementary School, Barotac Nuevo, kung saan lahat ay mula sa  Guimaras State University para  iproseso ang kanilang  graduate school requirements.

Napag-alaman sa ulat na mayroon isang teacher ang nakaligtas sa naturang trahedya.


Matapos na matanggap ng schools division ng Iloilo ang naturang report agad sila nagtungo sa bayan ng Dumangas upang tulungan ang mga biktima at ang kanilang mga pamilya.

Tiniyak ng DepEd kasabay ng panawagan sa kanilang field offices, partners at stakeholders na seguruhin na ang mga naulila ng mga gurong nasawi ay makatatanggap na karampatang suporta mula sa kagawaran.

Facebook Comments