RECRUITMENT VIOLATIONS | 11 private recruitment agency, pinatanggalan ng lisensya sa POEA

Manila, Philippines – Nagbaba na ng direktiba ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA) na kanselahin ng lisensya ng 11 private requirement agency na napatunayang nagkaroon ng recruitment violation.

Ito ay ang:

1.) Al Bayan Int’l Manpower Services Co.
2.) Bumiputra Gulf Company Inc.
3.) Golf Fortune Human Resources Corp.
4.) LFC Int’l Human Resources.
5.) Aisis Int’l Manpower Inc.
6.) Greatworld Int’l Management Inc
7.) Globalgate Int’l Manpower Services Inc
8.) MMML Recruitment Services Inc.
9.) NRS Placement Inc.
10.) SML Human Resoures Inc. AT


11.) Best Migrant Worker Int’l Manpower Services Inc.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang mga private recruitment agencies na ito ay mayroong mga pending na kaso at reklamo mula sa mga OFWs na hindi naaksyunan.

Sa press briefing kanina, sinabi ng kalihim na pagiigtingin pa ng Labor Department ang kanilang kampaniya kontra illegal recruitment.

Facebook Comments