Manila, Philippines – Hindi palulusutin ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang panukalang patawan ng mas mataas na excise tax ang mga produktong petrolyo.
Ang pahayag ni Recto ay makaraang lumusot na sa ikatlong pagbasa ng House committee Ways and Means ang Comprehensive Tax Reform Program o CTRP ng pamahalaan.
Nakapaloob dito ang pagtanggal at pagbawas sa buwis na binabayaran ng mga ordinaryong manggagawa, pagtaas ng excise tax sa produktong petrolyo at sa mga sasakyan at paglalagay ng limitasyon sa masasakop ng VAT exemption.
Ayon kay Recto, pabor siya sa ibang nilalaman ng o CTRP maliban sa excise tax sa mga produktong petrolyo.
Tiyak aniyang dadaan sa butas ng karayom ang panukala kapag nakarating na ito sa Senado kaya ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na niya ang mainit na debate rito.
DZXL558