Senator Grace Poe, nabiktima rin ng mahabang pila sa Immigration counters sa NAIA

Manila, Philippines – Planong ipatawag ni Senator Grace Poe sa senado ang mga opisyal ng Transportation Department.

Ito ay matapos na makaranas mismo si Poe at ang kanyang pamilya ng mahabang pila sa Immigration counter ng NAIA 2.

May kaugnayan pa rin ito sa mass leave ng Immigration officers bilang protesta sa hindi pagbabayad sa kanilang overtime pay.


Si Poe at ang kanyang pamilya ay bumiyahe patungo ng Osaka, Japan sakay ng Philippine Airlines.

Nangako naman si Red Marinas, chief of Port Division ng Bureau of Immigration na magde-deploy sila ng isang daang tauhan bukas sa NAIA terminals lalo na sa NAIA 2 na may pinakamahabang pila.

DZXL558

Facebook Comments