Kasabay ng pagdagsa ng mga tao ngayong Undas kaakibat naman nito ang mga basurang nagkalat sa sementeryo at bus terminal.
Sa katunayan dito sa Manila North Cemetery nasa 10 truck na ng basura ang nahahakot at patuloy pa itong nadadagdagan.
Ilan sa mga basura ay nare-recycle kung saan kinukuha ng Tzu Chi Foundation.
Ayon kay Nanilita Alburo ng Tzu Chi Foundation 5 hanggang 7 tenolada ng mga plastic bottle ang kanilang napulot sa loob ng Manila North Cemetery.
Dudurugin aniya ito at gagawing sinulid sa pamamagitan ng special na makina para makalikha ng damit at mga kumot.
Makikinabang sa nasabing proyekto ang mga biktima ng kalamidad tulad ng bagyo.
Samantala nakaramdam naman sila ng awa sa ilang puntod na wala pang bumibisita dahil imbis na bulaklak at kandila mga basura ang tila naka-alay sa harapan nila.