IGINIIT | Iba pang tourist destination sa bansa, pinabibigyan din ng atensyon ni Sen. Binay

287

Manila, Philippines – Iginiit ni Committee on Tourism Chairperson Senator Nancy Binay sa pamahalaan na bigyan naman ngayon ng atensyon ang iba pang tourist destination sa bansa na kailangan ding isailalim sa rehabilitasyon, lalo na yaong sakop ng mga mahihirap na munisipalidad.

Pahayag ito ni Binay kasunod ng muling pagbubukas ng Boracay makaraang isailalim sa anim na buwang pagsasaayos.

Tinukoy ni Senator Binay ang binanggit ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat na mukhang may problema din sa El Nido sa Palawan at Panglao Island sa Bohol.

Sabi ni Binay, pangunahing dapat pag-aralan ang carrying capacity o bilang ng mga turista na kayang tanggapan ng iba pang lugar na dinadayo ng mga turista sa bansa para hindi ito masira o masalaula.

Ayon kay Binay, mainam na gawin din sa iba pang tourist spots sa bansa ang malinis, napakaganda at napakaluwang ng kondisyon ngayon ng beach sa Boracay.

Facebook Comments