Manila, Philippines – Itinaas na ng NDRRMC ang red alert status sa kanilang mga tanggapan sa Northern Luzon, Central Luzon, Cordillera at Bicol Region.
Sa harap ito ng bantang paglakas pa ng Bagyong Jolina habang papalapit sa kalupaan.
Ayon kay NDRRMC spokesperson Romina Marasigan, inalerto na nila ang mga local response teams sa mga lugar na may banta ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Naka-standby na rin anya ang DPWH upang linisin agad ang mga kalsadang mababarahan dahil sa bagyo.
Ayon pa kay Marasigan, itinaas na rin nila sa Blue Alert Status ang buong NDRRMC.
Ibig sabihin anya nito, 24 oras nang nakabantay sa bagyo at sa mga tatamaan nito ang PAGASA, DILG, DSWD, DOH, BFP, AFP, PNP at Coast Guard para matiyak ang mabilis na pagtugon sa mga sitwasyon.