Apat na testigo sa pagpatay sa Grade 11 student, pinasasailalim ng PAO sa Witness Protection Program ng DOJ

194

Manila, Philippines – Apat na testigo ang pinasasailalim ng Public Attorney’s Office sa Witness Protection Program ng Department of Justice.

Ayon kay PAO Chief Attorney Percida Rueda-Acosta, kabilang dito ang mga magulang ni Kian Lloyd delos Santos na sina Saldy at Lorenza, isang eyewitness at isa pang hindi tinukoy na testigo.

Kaugnay naman sa tatlong testigo na hawak ng Senado, inihayag ni Acosta na umaasa siya na magpapasya si Senador Panfilo Lacson, pinuno ng Senate Committee on Public Order, na mailipat ito sa kustodiya ng DOJ.


Kung hindi naman aniya ito maitu-turn over sa WPP, kumpyansa si Acosta na hindi ito magiging balakid sa pag-usad ng kaso.

Facebook Comments