Red Alert status, itinaas na sa buong lalawigan ng Cagayan

Inilagay na sa Red Alert Status ang buong lalawigan ng Cagayan.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Cagayan PDRRMO Chief Rueli Rapsing na sisimulan na nila bukas ang preemptive evacuation sa mga residenteng posibleng maapektuhan ng bagyo.
Ipatutupad din sa lalawigan ang liquor ban.

Una nang tinukoy ng Cagayan Provincial Government bilang ‘areas of concern’ ang mga bayan ng Sta. Ana, Gonzaga, Sta. Teresita, Buguey, Aparri, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, at ang island town ng Calayan.
Sa Isabela, bagama’t walang abiso na magpapakalawa ng tubig ang Magat Dam ay mahigpit pa ring mino-monitor ng PDRRMO ang limang bayan na nasa low risk area kabilang ang Cabagan, San Pablo, Sto. Tomas, Sta. Maria at Tumauini.
Maaga namang inilikas ang nasa 81 pamilya o 238 indibidwal sa Green Island na sakop ng Roxas, Palawan.
Ayon kay Roxas Palawan Mayor Dennis Sabando, kusang lumikas ang kanilang mga residente dahil sa takot na maulit sinapit nila sa pananalasa ng bagyong Odette noong 2021.
Inirekomenda na rin ng PAGASA ang paglilikas sa Batanes.
Facebook Comments