Ayon sa Office of Civil Defense (OCD) Region 02, itinaas ang red alert simula pa kahapon, August 21, 2022 dahil sa sama ng panahon na tinutumbok ang rehiyon.
Nakahanda at nakaantabay naman ang Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council at PDRRMO maging ang MDRRMOs ng iba’t ibang bayan, TFLC, PNP, AFP sa pagmomonitor sa kani-kanilang nasasakupang lugar sa posibleng epekto ng naturang bagyo.
Sa huling datos na ibinahagi ng DOST- PAGASA, nakataas na ang signal no. 1 sa Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao).
Kaugnay nito, pinag-iingat ng OCD ang publiko lalo na ang mga nasa mababang lugar at maging alerto sa posibleng pagbaha o landslide.