RED ALERT STATUS NG PDRRMO, MAGPAPATULOY HANGGANG MATAPOS ANG PISTA’Y DAYAT

Magpapatuloy ang pagbabantay ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office o PDRRMO ang mga tourist destinations sa lalawigan ng Pangasinan katulad na lamang ng coastal areas sa Western Pangasinan, beach resorts at maging sa mga kailugan sa iba’t ibang lugar sa lalawigan hanggang sa matapos ang Pista’y Dayat sa Mayo.
Unang linggo pa lamang umano ng buwan ng Abril ay nakataas na ang ‘red alert’ status ang opisina na alinsunod sa inilabas na abiso ng Office of Civil Defense Region 1.
Ginawa na rin ang pagpupulong sa pagitan ng national agencies kabilang ang PNP, BFP, Coast Guard at local response team upang maayos ang distribusyon ng trabaho sa bawat ahensya.

Handa naman umano ang tanggapan ng PDRRMO hinggil dito kung saan ay naabisuhan na hanggang sa City at Municipal Response Team hanggang sa matapos ang Pista’y Dayat.
Bagama’t tapos na ang Semana Santa ay nakafull force parin ang kanilang mga water search rescue hanggang sa Pista’y Dayat dahil sa matapos makapagtala ng drowning at near drowning incident kaya naman mas hihigpitan ang pagbabantay sa coastal waters lalo na sa mga bisita na hindi alam ang galaw ng water current sa lalawigan. | ifmnews
Facebook Comments