Red alert status sa ilang lugar sa Luzon, nananatiling nakataas – NDRRMC

Manila, Philippines – Nananatiling naka-red alert status ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga rehiyong inaasahang maaapektuhan ng bagyong Jolina.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan – nasa ilalim ng nasabing status ang Northern Luzon, Cordillera Administrative Region (CAR) at Central Luzon kasama na ang Bicol region.

Dagdag pa ni Marasigan – may ilang lalawigan at probinsya na rin ang inilikas sa mga landslide-prone areas.


Tiniyak din ni Marasigan na nakahanda rin ang mga response teams at relief supplies.

Patuloy ang koordinasyon ng NDRRMC sa iba pang kinauukulang ahensya ng gobyerno.

Sa ngayon, wala pang naitatalang casualties sa pananalasa ng bagyo.

Facebook Comments