Red at yellow alert, itinaas ng NGCP sa Luzon Grid

Nagpatupad ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng Yellow Alert sa Luzon Grid.

Bunsod ito ng manipis na suplay ng kuryente.

Alas nuebe kaninang umaga nang magdeklara ng Yellow Alert sa Luzon Grid na tatagal hanggang mamayang ala una ng hapon.


Susundan ito ng Red Alert mamayang ala una hanggang alas kwatro ng hapon at Yellow Alert ulit simula alas kwatro ng hapon hanggang alas nuebe ng gabi.

Ayon sa NGCP, pumalo sa 10,585 megawatts ang peak demand sa kuryente sa Luzon habang nasa 10,727 lamang ang available capacity nito.

Nabatid na kapos ang Luzon Grid ng aabot sa 3,627 megawatts dahil pitong power plants ang naka-forced outage ngayong araw habang tatlo ang tumakatakbo sa mababang kapasidad.

Facebook Comments