Oil price rollback, kasado na bukas!

36

Kasado na bukas ang ‘di kalahikang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Alas-6:00 ng umaga bukas, magpapatupad ang Seaoil at Pilipinas Shell ng P0.45 na bawas-presyo sa gasolina; P1.45 sa diseal at P1.70 sa kerosene.

Kaparehong kaltas din ang ipatutupad ng Caltex epektibo mamayang hatinggabi.


Mamayang hatinggabi rin ang rollback ng Cleanfuel habang alas-6:00 ng umaga ang sa Petro Gazz maliban sa kerosene na kapwa hindi nila ikinakarga.

Nabatid na bumaba ang presyo ng langis sa world market dahil sa kakaunting demand dulot ng panibagong interest rate hike ng Amerika at Europa.

Pero mababa lamang ang naging rollback sa Pilipinas dahil sa ilang beses na paghina ng halaga ng piso kontra dolyar.



Facebook Comments