Nagbabala ang Department of Energy (DOE) na posibleng isailalim sa yellow o red alert ang power supply sa Luzon dahil sa isinasagawang preventive maintenance ng ilang power plants.
Ayon kay DOE Electric Power Industry Management Bureau Director Mario Marasigan, maaaring itaas ang alert status ngayong linggo matapos payagan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang maintenance ng Ilijan at Pagbilao powerplants.
Ang maintenance ng dalawang power plants ay isasabay sa GMEC Unit 1 sa Mariveles, at Sual Unit 1 sa Pangasinan.
Aminado si Marasigan na ang sabay-sabay na maintenance works ng mga planta ng kuryente ay magdudulot ng problema.
Mas pinagtutuunan nila ang mga hakbang para maiwasan ang power outages kaysa magpatupad ng rotational brownouts.
Ang DOE ay nakiusap na sa mga government offices na bawasan ng 10-porsyento ang kanilang konsumo sa kuryente.