Red Cross, nagtayo na ng tent sa PGH para sa mga pasyenteng may tigdas

Manila, Philippines – Nagtayo na ng tent ang Philippine Red Cross (PRC) sa Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila para mabigyan ng atensiyon ang mga pasyenteng nagkaroon ng tigdas.

Ayon kay Dr. Susan Mercado, deputy secretary general ng Red Cross Center for Health and Humanitarian Action kapag kinulang posible dagdagan nila ang mga tent at ng mga double deck na higaan.

Sabi pa ni Mercado, nangangailangan rin sila ng mga volunteer doctor na tutulong para sa gagawing pagbakuna sa mga bata kontra tigdas.


Aniya, maaring tumulong ang mga volunteer sa pamamahagi ng anti-measles vaccine at pagtatayo ng mga hospital tent.

Bukod sa mga doktor, nangangailanan din aniya sila ng mga volunteer na nurses, midwives at maging ang ordinaryong sibilyan para sa logistics.

Maari aniyang makipag-ugnayan ang mga nais mag-volunteer sa telephone number na 790-2300 o sa social media sa pamamagitan ng hashtag na #bantaytigdas.

Facebook Comments