Red Cross, nakatuwang ang King Salman Humanitarian Aid and Relief Centre sa pagbibigay ng food baskets sa ilang pamilya sa Marawi city

Nakipagtulungan ang Philippine Red Cross sa King Salman Humanitarian Aid and Relief Centre para magbigay ng food baskets sa mga pamilyang itinuturing na nasa most vulnerable sa Marawi City.

Ayon kay PRC Chairman and CEO Senator Richard Gordon, nasa kabuuang 5,000 food baskets ang ipamamahagi sa 1,000 pamilya na apektado ng iba’t ibang kaguluhan.

Kabilang dito ang mga nasa pamilyang nasa evacuation centers, bunkhouses, makeshift houses, at mga classroom na hindi masyadong nabibigyan ng atensiyon mula pa noong 2017 na kasagsagan ng Marawi siege.


Naglalaman ang mga naturang humanitarian relief bags ng Halal groceries, 50 kilong bigas at supplementary package para sa Ramadan.

Paliwanag ni Gordon, kinakailangan ang mga ganitong pagbibigay ng ayuda sa mga pamilyang nawalan ng tirahan.

Ang PRC – KS Relief project ay naisakatuparan sa tulong na rin ni KS Relief Project Manager Abdulrhman Alzaben at isa lamang ito sa 40 humanitarian projects ng Kingdom of Saudi Arabia na mayroong $45 million na nakalaang pondo.

Facebook Comments