Isinagawa ngayong araw ng Philippine Red Cross sa Municipal Community Center ng Sta Maria, Isabela ang pamimigay ng tulong pinansiyal para sa mga naapektuhan noong nakaraang taon ng Bagyong Ompong (Manghut) sa Lalawigan ng Isabela.
Ang aktibidad ay sinaksihan nga mga matataas na opisyal ng Philippine Red Cross buhat pa sa Maynila at ng PRC Isabela na pinamumunuan ni Chapter Administrator Stephanie Cabrera.
Nakatakda sana itong daluhan mismo ng PRC National Chairman at CEO Senador Richard Gordon at Gobernador Tonypet Albano ng Isabela pero hindi natuloy dahil sa sama ng panahon sa Maynila.
Ang seremonya ng pamimigay ng ayuda ay dinaluhan nina Sta Maria, Isabela Mayor Hilario Pagauitan, Delfin Albano Mayor Edward Co, San Mariano, Isabela Vice Mayor at PRC Isabela Vice Chairman Dean Anthony Domalanta at mga opisyal kasama ang mga volunteers ng Philippine Red Cross sa lokalidad at national na antas.
Ang ayuda na nagkakahalaga ng P 11, 000.00 ay ipapaabot sa pamamagitan ng dalawang bigayan kung saan ay naunang ibinigay ang P 6, 500 at susunod namang ibibigay sa 927 na mga tatanggap ng tulong ang halagang P 4, 500.00 sa Setyembre 6, 2019.
Sa ginawang panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa isa sa mga tumanggap ng tulong na si Ginang Ofelia Ofelia Marzan ng Carmencita, Delfin Albano, Isabela ay kanya umanong gagamitin ang halaga para makapagsimula ng isang maliit na tindahan.
Ayon sa kanya ay inilipad ng bagyo ang bubong ng kanyang bahay noong tumama ang Bagyong Ompong at matindi ang kanyang pasasalamat sa tulong ng Philippine Red Cross sa kanya.
Red Cross, Namigay ng Pangnegosyo sa mga Naapektuhan noon ng Bagyong Ompong
Facebook Comments