Target ng Philippine Red Cross na maglunsad ng saliva test para sa COVID-19 na itinuturing na pinakamurang pamamaraan ng testing.
Ayon kay PRC Chairperson, Senator Richard Gordon, nagsumite na sila ng proposal sa Department of Health (DOH) at nasa kamay na ng Health Technology Assessment Council na binubuo ng mga medical doctors at scientists.
Binanggit din ni Gordon na ginagamit na ang saliva testing sa ibang bansa tulad ng Japan at Singapore.
Mas maraming mahihirap na kababayan at manggagawa ang makakapag-avail ng COVID-19 test dahil nagkakahalaga lamang ito ng ₱2,000, mababa kumpara sa ₱3,500 swab test na isinasagawa ng PRC.
Bukod dito, bibili rin ang PRC ng equipment na nagkakahalaga ng $15,000 para sa bawat laboratoryong magpoproseso ng saliva samples.