Manila, Philippines – Ibinunyag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magkakasa ang mga komunista ng nationwide coordinated tactical offensive sa susunod na linggo.
Ito ay bahagi ng Red October plot para patalsikin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay AFP Assistant Deputy Chief for Operations, Brig/Gen. Antonio Parlade – nakuha nila ang impormasyon base sa mga dokumentong nakumpisma mula sa Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA).
Aniya, matagal nang pinaplano ito ng mga rebeldeng komunista pero nabigo ito dahil sa agresibong operation ng AFP at ng Philippine National Police (PNP).
Base sa na-decode na impormasyon ng AFP magsasagawa ang mga rebelde ng sumusunod:
‘Supermarket’ – ta-targetin nila ang mga PNP stations at AFP detachments para kunin ang mga armas.
‘Casino’ – ito ay sparrow operations kung saan target ang military assets at intelligence.
‘Bulldozer’ – aatakehin ang mga mining corporations, susunugin ang mga proyekto ng gobyerno.
‘Tabasco’ – target nito ang suspected tokhang agents at mga suspek ng extra-judicial killings.
‘Hades’ – target ang mga personalidad sa gobyerno na may ‘utang na dugo sa kilusan’ mula pa noong panahon ni dating pangulo at ngayon ay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.
Isinapubliko ng AFP ang impormasyon para abisuhan ang mga awtoridad at publiko sa gagawing hakbang ng mga komunista.