RED OCTOBER PLOT | AFP, dapat makipagugnayan sa NBI kaugnay sa pag-iimbestiga

Manila, Philippines – Welcome sa Palasyo ng Malacañang ang ikakasang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation o NBI sa mga umano ay sangkot sa pinaplanong “Red October” ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ginagawa lang ng NBI ang kanilang trabaho na magimbestiga sa mga posibleng paglabas sa batas nagaganap saanmang panig ng bansa.

Hinikayat din naman ni Roque ang Armed Forces of the Philippines o AFP na makipagtulungan sa NBI upang malaman kung sino-sino ang mga nasa likod ng tanggkang pagpapatalsik kay Pangulong Duterte sa posisyon.


Sakali naman aniyang mapatunayan na kasama ang mga taga oposisyon sa ouster plot laban sa pangulo ay walang magagawa ang pamahalaan kundi ipatupad batas at kasuhan ang mga ito.

Facebook Comments