Red-tagging sa ilang mga mambabatas at celebrities, isang dahilan para mag-isyu ng TRO ang Korte Suprema sa ipinapatupad na Anti-Terrorism Law

Ang walang tigil pero walang batayan na ginagawang red-tagging sa ilang mga celebrities at mga mambabatas ay isang malaking dahilan para maglabas na ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa implementasyon ng Anti-Terrorism Law.

Ito’y ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman kung saan umaasa at nananalangin din ang nasa 37 na naghain ng petisyon sa Korte Suprema na kumokontra sa pagpapatupad ng Republic Act no. 11479.

Sinabi pa ni Lagman na ang pagpapatupad ng nasabing batas ang siyang nagbibigay ng lakas ng loob sa ilang opisyal ng militar partikular si Lt. Gen. Antonio Parlade na tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na pangalanan ang mga aktibistang mambabatas sa Makabayan Bloc bilang mga terorista na kaalyado o miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP).


Ang mga nasabing mambabatas na tinutukoy ni Lagman ay sina Bayan Muna representatives Carlos Zarate, Ferdinand Gaite, at Eufemia Cullamat, ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas, at Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago.

Aniya, sakaling ang mga miyembro ng Makabayan Bloc ay kaakibat nga ng CPP, huwag daw kakalimutan ni Parlade.

Facebook Comments