Visayas – Itinaas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang red tide alert sa ilang bahagi ng Eastern at Western Samar, Palawan, Masbate, Negros Oriental, Davao Oriental at Iloilo.
Batay sa isinagawang pagsusuri ng BFAR at Local Government Units, nagpositibo sa paralytic shellfish poison o red tide toxins ang mga sample na nakuha sa mga nasabing lugar.
Paalala naman ng BFAR – bawal kumuha, magbenta at kumain ng mga shellfish sa mga lugar na may red tide alert.
Pero pwedeng kumain ng isda sa mga nabanggit na lugar basta nalinis at nalutong mabuti.
Facebook Comments