Red tide alert, itinaas ng BFAR sa Visayas at Palawan

Itinaas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang red tide alert sa Visayas at Palawan.

Base sa pinakahuling laboratory results  na inilabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at  Local Government Units (LGU), positibo sa  paralytic shellfish poison ang mga shellfish sa:

Puerto Princesa, Palawan


Puerto Princesa Bay

Bohol

  • Coastal Waters of Dauis
  • Tagbiliran City

Leyte

  • Irong-irong Bay, Western Samar
  • San Pedro Bay, Western Samar
  • Silanga Bay, Western Samar
  • Cancabato Bay, Tacloban City

Pero, ayon sa BFAR, ligtas naman kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango sa naturang baybayin kung sariwang hinango at nilinis ng mabuti ang mga Ito.

Samantala, muli namang nililinaw ng BFAR na walang red tide ang Manila Bay at iba pang karagatan sa Pangasinan, Bataan, Pampanga Zambales at iba pa.

Facebook Comments