Manila, Philippines – Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang paghango, pagbebenta at pagkain ng mga shellfish products gaya ng tahong, talaba at halaan na nakukuha sa mga baybayin mula sa limang lalawigan sa bansa.
Lumilitaw na mataas pa ring lebel ng paralytic poison o red tide sa mga coastal waters ng Biliran Province at Leyte, Lianga Bay sa Surigao del Sur; Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; at Honda Bay at Puerto Princesa Bay sa Puerto Princesa City sa Palawan.
Ayon sa BFAR, hindi ligtas na kainin ang lahat ng uri ng shellfish maging ang alamang na galing sa nabanggit na mga lugar.
Samantala, ang mga mahuhuli namang isda, pusit, hipon at alimasag mula dito ay maaaring kainin basta at linisin lamang na mabuti sa pamamagitan ng pag-tanggal ng lamang loob o bituka bago lutuin.