Referral System ng mga COVID Patients, Muling Pag-aralan- Prov’l vaccine Czar Dr. Lazaro

Cauayan City, Isabela- Maaaring maiugnay sa local transmission work places ang isa sa dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela, ayon kay Provincial Health Officer Dr. Nelson Paguirigan.

Batay sa kanilang pag-aaral at pag-analisa, ito ang nakikitang dahilan ng pagsipa ng kaso mula Enero hanggang Marso 2021 kung saan natuon din sa pagbabakuna at nagkaroon umano ng pagluwag sa pagpapatupad ng health protocols.

Ayon pa kay Dr. Paguirigan, kailangan na muling buksan ang Temporary Treatment Monitoring Facilities sa mga LGU at paigtingin ang contact tracing upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng sakit.


Samantala, iminungkahi naman ni Provincial Planning and Development Coordinator Atty. Eduardo Cabantac ang pagbuo sa Technical Working Group (TWG) na siyang tututok sa sitwasyon ng COVID-19.

Sa abiso naman ng Cagayan Valley Medical Center at Southern Isabela Medical Center, hindi na sila tumatanggap pa ng mga critical patients dahil sa punuan na ang kanilang mga pasilidad dahil sa patuloy na pagdami ng mga kasong nagpopositibo sa sakit.

Kaugnay nito, inirekomenda naman ni Provincial Vaccine Czar Dra. Arlene Lazaro ng Cabagan District Hospital ang muling pag-aralan ang referral system sa mga pagamutan upang ang mga malalang sakit ay matutukan sa CVMC habang ang mga sakit na kaya naman sa mababang level ng hospital ay doon gawin para maiwasan ang sunod-sunod na namamatay.

Facebook Comments