Reflective Safety Vest, Pasado na!

Benguet, Philippines – Inaprobahan na ng Benguet Provincial Board ang ikatlo at huling pagbasa sa proposed ordinance na nag-uutos sa lahat ng riders ng motorsiklo, bisekleta, trisikel at e-bikes na kinakailangang mag suot ng mga high visibility vest.

Sa mga lalabag sa ordinansang ito ay magmumulta ng P2,000 sa unang offense, P3,000 sa pangalawa at aabot P5,000 o pagkakulong ng hindi hihigit sa isang taon o pababayaran at ikukulong depende sa magiging hatol ng korte. Inatasan naman ang mga kapulisan ng 13 munisipalidad kasama ng Land Transportation Office o LTO na hulihin ang sinumang lalabag sa nasabing ordinansa.

Ang lahat ng motoristang bumibiyahe ng alas 6 ng gabi hanggang alas 6 ng umaga ay kinakailangang mag suot ng high visibility vest dahil sa mga oras na ito ay nag uumpisa nang dumilim sa mga kalsada. 


Kasama sa ordinansa ang paglalagay ng reflectorizer o high visibility material na may kalakihan sa mga backpack ng mga rides upang mas madaling mapansin ng ibang motorista.

iDOL, may kasama ka bang mahilig sa motor? Sabihan mo siya tungkol sa bagong ordinansa.

Facebook Comments