Makakatulong ng malaki ang reforestation effort na ikinakasa ng gobyerno sa harap ng isinusulong ng Marcos’s administration na laban sa climate change.
Sa Malacanang briefing, sinabi ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo- Loyzaga na sa climate change mitigation na ipinupursige ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay may malaking epekto ang reforestation para mabawi ang carbon dioxide.
Paliwanag ng kalihim na malaking tulong din ang kagubatan para maprotektahan ang mga water sources.
Kung hindi aniya mapangangalagaan ang mga gubat ay hindi na mapipigilan ang paglabas ng tubig na may epekto rin sa mga ilog.
Importante rin ayon kay Loyzaga ang reforestation sa flood management at pagguho ng lupa, habang may community-based livelihood din na magreresulta sa pangangalaga sa kagubatan.