Reforestation program ng pamahalaan, pinasisilip kasunod ng matinding pagbaha sa mga nagdaang bagyo

Pinapasiyasat ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang reforestation program ng pamahalaan.

Iginiit ng kongresista na dapat magsilbing wake up call ang malawakang pagbaha sa Luzon para palakasin ang reforestation program ng pamahalaan at ang pangangalaga sa watersheds.

Sa inihaing House Resolution 1361 ni Vargas ay pinasisilip nito ang status ng nasabing mga programa.


Partikular na gustong malaman ng kongresista kung anong ginagawa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang kaukulang ahensya para tugunan ang problema sa illegal logging sa protected areas gaya ng Sierra Madre.

Dapat rin anyang maipaliwanag kung bakit patuloy na pinapayagan ang quarrying activities sa Marikina watershed.

Binanggit ni Vargas sa resolusyon na base sa National Greening Program (NGP) noong 2011, itinakda sa 1.5 billion na mga puno ang target na maitanim sa 1.5 milyong ektarya ng lupa hanggang 2016.

Bagama’t sinasabi anya ng DENR na nasa 1.7 billion ang naitanim na puno sa loob ng 5 taon, makikita naman sa datos na nasa 23% lamang ang kabuuang forest cover ng Pilipinas na pinakamababa sa Asya.

Facebook Comments