Refund ng customers para sa palpak na serbisyo ng Telcos, isinulong sa Senado

Pinapag-refund ni Senator Ramon “Bong” Revilla ang mga telecommunication companies at Internet Service Providers (ISP) sa kanilang subscribers kapag pumalpak ang kanilang serbisyo.

Nakapaloob sa Senate Bill No. 2190 na inihain ni Revilla na dapat gawin ng telcos at ISP ang refund kapag umabot sa 24-oras o higit pa ang pinagsama samang tagal ng interruption sa kanilang serbisyo.

Sa panukala ni Revilla ay dapat magawa ang refund sa pamamagitan ng pag-credit o pag-adjust sa monthly bill ng subscribers o kaya ay pagbalik ng load sa prepaid.


Malinaw rin sa panukala ng senador na dapat ay otomatiko na itong gagawin ng telcos at ISP para hindi na maabala ang mga subscribers sa pagtawag at pagrequest ng refund.

Ipinagbabawal din ng panukala na ipabalikat sa subscribers ang bayarin sa nagka-aberyang sistema ng telco at ISP, gayundin ang pag-upgrade at pagkukumpuni.

Facebook Comments