REFUND | Pinambili ng anti-dengue vaccine, pinababawi ni Senator Recto

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa pamahalaan na bawiin ang P3.5 billion pesos na pinambili ng anti-dengue vaccine.

Diin ni Recto, base sa Procurement Law ay maaring i-refund ng pamahalaan ang nabanggit na salapi mula sa Sanofi Pharmaceutical Company.

Ayon kay Recto, dapat nakapaloob sa kontrata ng pamahalaan at Sanofi ang nilalaman ng Republic Act 9184 na nagsasabing lahat ng government purchases ay dapat sakop ng warranty.


Samantala, umapela naman ang mga senador na kasapi ng Liberal party o LP na gawing patas ang gagawig imbestigasyon kaugnay sa palpak na Dengue Vaccine Program.

ipinaalala pa ni LP president Senator Kiko Pangilinan, na ipinatupad ang pagbibigay ng nasabing bakuna sa mga bata simula sa Aquino administration hanggang sa Duterte administration.

Facebook Comments