HOLIDAY SEASON | MIAA, handa na sa dagsa ng pasahero

Manila, Philippines – Handa na ang Manila International Airport Authority (MIAA) para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong holiday season.

Bawal nang mag-leave ang mga airport personnel mula ngayong Disyembre a-diyes hanggang Enero a-sais.

Kasabay nito, tiniyak ng *Civil Aviation Authority of the Philippines* (CAAP) na walang apektadong flights sa itinatayong rapid exit taxiway sa NAIA terminal 1.


Ayon sa *CAAP,* nakapag-adjust na ng flight scheduled ang mga airline.

Magiging shortcut mula sa main runway hanggang sa kanilang assigned terminal ang bagong daan para sa mga papalipad at papalapag na eroplano.

Dahil dito, mas maraming flights ang maiistema ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Facebook Comments