Refund sa binayarang bill kahit walang tubig, hindi pa tiyak ng Manila Water

Wala pa ring maibigay na kasiguraduhan ang Manila Water kung makapagpapatupad sila ng refund sa mga consumer para sa halaga na binabayaran ng mga ito sa serbisyo sa tubig kahit wala silang suplay.

Sa naging pagdinig ng House Oversight Committee on Metro Manila, kinumpirma ni Manila Water President and Chief Executive Officer Ferdinand Dela Cruz ang tanong ni Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate kung nagbabayad ang kanilang mga customer kahit na walang dumadaloy na tubig sa mga gripo.

Sinabi nito na wala pang usapan ang pamunuan ng Manila Water para sa refund dahil ang sa ngayon ay nakatuon ang kanilang atensyon sa water restoration.


Sa tanong naman ni Zarate kung handa ang Manila Water na mag-refund sabi ni Dela Cruz na susunod sila sa proseso na ipinapatupad ng MWSS Regulatory Office.

Nauna nang sinabi ni MWSS Chief Regulator Patrick Sy na walang kakayahan ang regulatory body na magpataw ng anumang parusa o multa sa mga water concessionaire.

Facebook Comments