Regine Velasquez, inaming naaapektuhan pa rin siya ng bashers

Manila, Philippines – Aminado si Regine Velasquez na kahit matagal na siya sa showbiz industry ay naaapektuhan pa rin siya ng bashers.

Say ng Asia’s songbird, hindi pa rin kasi siya sanay kahit iba’t ibang batikos na ang inugnay sa kanya sa maraming taon niya sa industriya.

Hindi rin aniya totoo na immune na ang mga artista lalo na ang mga matatagal na sa showbiz business sa mga isyung ibinabato sa kaniya.


Sinabi pa ni Regine na sinasagot niya ang ibang bashers, lalo na kung idinadamay na ng mga ito ang mga mahal niya sa buhay.

 

Facebook Comments