Globalport Batang Pier, tinalo ng Rain or Shine Elasto Painters sa nagpapatuloy na PBA Commissioners Cup

Manila, Philippines – Pinahiya ng Globalport Batang Pier ang Rain or Shine Elasto Painters sa iskor na 107-101.

Nanguna sa Globalport si Terrence Romeo na may 26 points habang mayroong 19 points at 10 rebounds si Justin Harper.

Lamang pa ang Rain or Shine sa pagtatapos ng 3rd quarter hanggang nahabol ito ng batang pier sa pamamagitan ni Romeo.


Mayroon ng apat na panalo at anim na talo ang Global Port habang mayroong limang panalo naman at limang talo ang Painters.

DZXL558

Facebook Comments