Regine Velasquez, mapagkumbabang sumagot sa basher na sinabihan siyang ‘wag na kumanta

Image via Instagram / @reginevalcasid

“I will do my best next time.”

Hindi napigilan ni Regine Velasquez na sumagot sa isang netizen na bumatikos sa naging performance niya sa “ASAP Natin ‘To Bay Area” sa San Francisco, California. nitong Agosto 3.

Pero imbis na dipensahan ang sarili, buong pagpapakumbabang tinanggap ng Asia’s Songbird ang komento ng dismayadong basher na sinabihan pa siyang huwag na lang kumanta.


Tila galit na galit ang netizen na si raigabs10 nang hindi raw naabot ni Regine ang tamang tono sa pagbirit ng “On The Wings of Love.”

Reklamo pa ng netizen, sayang daw ang pinaghirapang pera pambayad sa ticket ng mga Pinoy na nagpunta sa show.

“NAKAKAHIYA KA! FINALE KA PA? DI MO NAMAN MAABOT!!! Pweeh!!! Wag ka nalang kumanta!!!” himutok ng netizen.

Mahaba pero kalmado naman ang sagot ni Regine na idinaan niya sa Instagram.

“Wow natawa Lang ako. I guess kasalanan ko rin naman kasi kahit madaling kanta pinapahirap ko so pag hindi ko binirit disappointed na ang ibang mas mataas pa sa boses ko ang expectations.

“Alam mo iba iba ang bawat pagkanta minsan depende sa kundisyon ng katawan at boses ng isang mang-aawit ang kalalabasan ng kanyang performance.

“And the emotional battle we all have inside….. why didn’t I do this sana ginalingan ko pa sana nag practice pa ko……. But again no excuses. We all do what we do because we all love to entertain all of you.

“Natutuwa kami na sa maik­ling panahon na pagsasama natin napatawa napaindak napasayaw napaiyak napa inlove namin kayo, na sa maikling panahon nakalimun nating lahat na may kanya kanya tayong pinagdadaanan.

“But thank you for letting me know that I was so bad I will do my best next time. Kasi lagi namang may next time laging may next time to redeem my self. Yan naman ang maganda sa life laging may next time. GOD Bless.”

Sa comment section ay nag-iwan naman ng suporta ang kanyang asawa na si Ogie Alcasid.

“My love, we are always proud of you because you sing to the one who gave you the voice. You honor him with what you have and you give it your all. He In return never judges and will never put us down because in his eyes we are exceptional. You are #exceptional my love @reginevalcasid,” ani Ogie sa misis.

Dumagsa rin ang suporta mula sa fans ng Songbird na karamihan ay binatikos ang basher na anila’y “akala mo perpekto.”

Facebook Comments